09267429042
Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024, ang mga Filipino na umabot sa edad na 80 at 85 ay karapat-dapat na tumanggap ng cash gift na ₱10,000. Ang batas na ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Pebrero 26, 2024, at naglalayong kilalanin ang mga nakatatanda. Sa pamumuno ng Galanza Administration at tunay na pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga mamamayang nakatatanda, ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng pondo na nagkakahalaga ng 10,000 pesos para sa bawat isa sa pitong beneficiaries. Ang layunin ng programang ito ay upang bigyang suporta ang mga matatanda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at ipakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa lipunan.